PAYO

David Jo Quinto

Husga ng bawat tao base sa nakaraan
Maging kakaiba ka sa sarili mo na paraan
Wala ka ma'ng kasama sa paglalakbay mo sa daan
Wag kang hihinto tuloy-tuloy ka lang
Ito'y 'di pangkaraniwan sa mata ng karamihan
Papakitang kagalingan, sasabihing kabaliwan
Ang pagbubukas ng isip na aking kinahiligan
Pero bakit mas pinili nyo na magbingi-bingihan?
Araw-araw bumabangon, ba't wala din nangyayari?
Buwan-buwan nalulugmok, napipilitan ng bumali
'Yang mga pangarap na parang bituin sa sobrang dami
Sa mundo'ng pinapaikot ka sa mga sinasabi
Di na bali, kung kaya't hinahayaan nalang
Ba't pinipilit ituwid 'yang tagilid na daan?
Nakasanayan mong takbo ng 'yong ginagalawan
Ay umaasa lang sa tsamba't di sinasabayan
Agos ng problema na ika'y laging inaabala
Kawawa naman si batman, sya nalang lagi bahala
Babalasa ng baraha ang mapagbirong tadhana
Kakaawa ka na bata ngayon di na makatawa
Di naman kasi mali, ang maging kakaiba
Pagod na at may pighati, piliin mong magpahinga
Wag umasang matulungan ng magiting mag-bida
Madami kang matututunan sa pagiging mag-isa
Husga ng bawat tao base sa nakaraan
Maging kakaiba ka sa sarili mo na paraan
Wala ka ma'ng kasama sa paglalakbay mo sa daan
Wag kang hihinto tuloy-tuloy ka lang
Kung di makaalis sa malungkot mo na kahapon
Kunin ang bawat aral at palagi mong ibaon
Kalmado lang sa laban manatiling mahinahon
Panahon mo'y darating parin naman kapag naglaon
Pag-asa'y di nauubos kahit minsan naoolats
At sa nakaraan wag mong piliin magpa-posas
Kahit anong estado mo sa buhay kaibigan
Ang oras mo ay tumatakbo't hindi napipigilan
Kung kaya't piliin mo na harapin ang mga dagok
Tadhana ma'y madamot at kung minsan sinasalot
Manatiling matatag sayong mga kinakatakot
Kada batok ng buraot ibalik mo ay pasabog
Ugali'y tanggalin maging alisto pagdating
Ng mga susunod na bukas ay wag ng magmagaling
Isipin mong mabuti kung ano ang gusto mong maging
Lakbayin lang at hayaan ang ayaw kang tanggapin
Ibigay lang ang lahat para hindi ka maligaw
Magkumot ka ng makapal kung gabi ay maginaw
Wag umasa dyan sa mga payo nila na hilaw
At tandaang mas malakas ka sayong pagiging ikaw
Husga ng bawat tao base sa nakaraan
Maging kakaiba ka sa sarili mo na paraan
Wala ka ma'ng kasama sa paglalakbay mo sa daan
Wag kang hihinto tuloy-tuloy ka lang
Para sa huli dapat isipin mo ng tama
Gawing makabuluhan yang buhay mo na mahiwaga
Sariling desisyon kasi hindi na tayo bata
At wag ng dumepende sa paligid na madaya
Isipan ay gamitin, wag magpakulong
Ang sarili mong mithiin, gamitin pasulong
Lumabas ka sa sarili mong gawa-gawang kahon
At kung ano ang gusto mo ay simulan mo na ngayon
Konti nalang ang oras, bat di mo pa sulitin?
Sa pananaw ng iba, wag ka ng magpa-alipin
Ang maling nakasanayan ay subukan tuldukan
Ilaan mo lang yang buhay mo sa may katuturan
Sapagkat bandang huli, ang lahat mawawala na
Lahat ng natamo di mo na maisasama
Ano pa ba ang dapat kong sabihin para madala ka
Aantayin mo pa bang ikaw ay isa nalang ala-ala

Wissenswertes über das Lied PAYO von OM

Wer hat das Lied “PAYO” von OM komponiert?
Das Lied “PAYO” von OM wurde von David Jo Quinto komponiert.

Beliebteste Lieder von OM

Andere Künstler von Jazz rock