Bituing Marikit

Bituing marikit
Sa gabi ng buhay
Ang bawat kislap mo'y
Ligaya ang taglay

Yaring aking palad
Iyong patnubayan
At kahit na sinag
Ako'y bahaginan

Natanim sa puso ko
Yaong isang pag-ibig
Napinakasasamba
Sa loob ng dibdib

Sa iyong luningning
Laging nasasabik
Ikaw ang pangarap
Bituing marikit

Lapitan mo ako
Halina bituin
At ating pag-isahin
Ang mga damdamin

Ang sabik kong diwa'y
Huwag mong uhawin
Sa batis na iyong wagas
Na paggiliw

Ang sabik kong diwa'y
Huwag mong uhawin
Sa batis na iyong wagas
Na paggiliw

Beliebteste Lieder von Orange & Lemons

Andere Künstler von Pop rock