Wala Na Talaga

Chito Miranda

[Verse]
Minsan parang wala nang dahilan
Tila nagpapanggap na lamang
Ayoko man aminin sa iyo pero
Nagsawa na yata ako

[Verse]
Wala naman tayong problema
Ngunit parang hindi na tayo masaya
At kung papipiliin lang ako
Parang gusto ko na lang huminto

[Verse]
Ayaw naman kitang lokohin
Magkuwaring sa puso ko'y ikaw pa rin
Meron tayong nakaraang pinagsamahan
At ayaw na kitang masaktan

[Pre-Chorus]
Kailangan mong malaman ang katotohanan
Kundi pareho lang tayong mahihirapan

[Chorus]
Hindi na 'ko kinikilig kapag ika'y dumarating
Hindi na 'ko natataranta kahit galit ka sa akin
Hindi na 'ko nakikinig kapag ika'y nagsasalita
Wala na 'kong maramdaman
Wala na talaga

[Verse]
Wag mong isipin na merong iba
Hindi yun ang rason kung ba't ayaw ko na
Hindi ko din lubusang maintindihan
Basta't alam ko na may dahilan

[Verse]
Pagkat nahihirapan na ang puso ko
Para 'kong nakakulong sa loob ng mundo mo
Wag mo nang tanungin kung kailan nagsimula
Di ko din alam kung kailan nawala

[Verse]
Wag mo sanang iisiping may mali kang nagawa
Pareho lang tayong walang pagkakasala
Hindi ko rin naman 'to sinadya
Mas mabuti ngang hindi na magtagal
Sapagkat di na kita mahal

[Chorus]
Hindi na 'ko kinikilig kapag ika'y dumarating
Hindi na 'ko natataranta kahit galit ka sa akin
Hindi na 'ko nakikinig kapag ika'y nagsasalita
Wala na 'kong maramdaman
Wala na talaga

[Chorus]
Hindi na 'ko kinikilig kapag ika'y dumarating
Hindi na 'ko natataranta kahit galit ka sa akin
Hindi na 'ko nakikinig kapag ika'y nagsasalita
Wala na 'kong maramdaman
Wala na talaga

[Coda]
Wala na talaga
Wala na talaga

Wissenswertes über das Lied Wala Na Talaga von Parokya Ni Edgar

Wann wurde das Lied “Wala Na Talaga” von Parokya Ni Edgar veröffentlicht?
Das Lied Wala Na Talaga wurde im Jahr 2021, auf dem Album “Borbolen” veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Wala Na Talaga” von Parokya Ni Edgar komponiert?
Das Lied “Wala Na Talaga” von Parokya Ni Edgar wurde von Chito Miranda komponiert.

Beliebteste Lieder von Parokya Ni Edgar

Andere Künstler von Romantic