Awit Ng Paghahangad

Oh Diyos ikaw ang laging hanap
Loob ko'y ikaw ang tanging hangad
Nauuhaw ako parang tigang na lupa
Sa tubig ng iyong pag-aaruga

Ika'y pagmamasdan sa dakong banal
Nang makita ko ang 'yong pagkarangal
Nanalangin akong nakataas aking kamay
Magagalak na aawit ng papuring iaalay

Gunita ko'y ikaw habang nahihimlay
Pagkat ang tulong mo sa tuwina'y taglay
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
Umaawit akong buong galak

Aking kaluluwa'y kumakapit sa 'yo
Kaligtasa'y tiyak kung hawak mo ako
Magdiriwang ang hari ang Diyos siyang dahilan
Ang sa iyo ay nangakong galak yaong makakamtan makakamtan

Gunita ko'y ikaw habang nahihimlay
Pagkat ang tulong mo sa tuwina'y taglay
Sa lilim ng iyong mga pakpak
Umaawit (awit)
Umaawit (awit)
Umaawit akong buong galak

Beliebteste Lieder von Philippine Madrigal Singers

Andere Künstler von Religious