Pag-aalay ng Bayan

Narito ang aming alay ang alak at tinapay
Sagisag at bunga ng aming pagpapagal
Handog ng bayan mong mahal

Laan na alay sa ‘yong palad
Buhay nami’t pagsisikap
Huwag nawang hadlangan ng aming kakulangan
Handog namin sa ‘yo lamang

Kapuri-puri ka poon naming mahal
O Diyos ng langit at sangkalupaan
Basbasan at lingapin buhay naming laan
Tinig namin ay pakinggan

Kapuri-puri ka poon naming Mahal
O diyos ng langit at sangkalupaan
Basbasan at lingapin buhay naming laan
Tinig namin ay pakinggan

Tinig namin ay pakinggan

Beliebteste Lieder von Philippine Madrigal Singers

Andere Künstler von Religious