Minsan (Keep Going)

Pio Balbuena

Rekta na ‘to ‘wag ka magpakamatay
Lahat tayo may problema
’Wag ka magpapatangay
Hindi naman puro kamalasan ang nasa kamay

Naka-kotse si kamatayan
’Wag ka muna sasakay
Mabigat ang dala hindi nga lang halata
Bakit kahit maliwanag parang walang makapa

Nakatago at umiiyak ka nang nakadapa
Sabihin mo sa ‘kin yung problema mo ga’no kalala
’Yung problema mo sapatos ‘yung iba walang paa
Pero lumalaban sa buhay halos walang kaba
Hindi ka mahina ang gusto ko lumaban ka pa
Tumayo ka dyan at punasan mo ang mga mata

Kung hindi mo na alam kung sino ang lalapitan
Kahit patalim ay wala kang makapitan
Ga’no man kalalim ang mga kasawian
Laging merong Diyos at pwede mo Siyang masabihan

Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Kasi laging madilim tsaka nakakaligaw
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Saan ang tamang daan ako ay naliligaw

Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Kasi laging madilim tsaka nakakaligaw
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Saan ang tamang daan ako ay naliligaw

Pwede umiyak pero walang sukuan
Tuloy ang kwento ng buhay at ‘wag mo namang tuldukan
Naaalala mo pa ba o ‘di mo na matandaan
’Yung mga dating nagdaan nakaya mo nga lagpasan
Kaya ka merong problema para lumakas ka
Nakatagong tapang sa loob mo lumabas na
Nakatali sa depresyon
Sana kumalas ka marami pang ibang paraan kahit ano basta

’Wag ka magpaapekto walang taong perpekto
Kadalasan mararanasan ang pangit na komento
Marami talagang sisira sa maganda mong kwento
Wawasakin nila sa salitang puro imbento
’Yan ang gusto nila lagi kang nakadapa
Basta kayang tumayo
Kahit na nasa baba
Teka ‘wag kang lumayo kasi may pag-asa pa
Kala mo mag-isa ka pero may kasama ka

Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Kasi laging madilim tsaka nakakaligaw
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Saan ang tamang daan ako ay naliligaw

Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Kasi laging madilim tsaka nakakaligaw
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Saan ang tamang daan ako ay naliligaw

Mukha kang masaya pero ‘di mo maramdaman
Mag-isa sa kwarto na parang walang malabasan
Kung may nagmamahal sa ‘yo ay ‘di mo na matandaan
Akala mo kasi lahat sila walang pakialam

Naranasan ko na ‘yan naiintindihan kita
Tinapangan, nilabanan at mas tinindihan ko pa
Kahit hindi madali basta palag lang ng palag
Kapag natakot at napagod ay salag lang ng salag

Hindi mo gustong mawala
Ang gusto mo matagpuan
Sa mundong akala mo wala ka nang matakbuhan
’Wag mo lang madaliin maraming pwedeng puntahan
‘Wag mong tapusin ‘yung buhay mo ng gano’n-gano’n na lang

Sa lahat ng taong merong depresyong nararanasan
Eto ang tunay na buhay at malubak ang lalakaran
Sa mundo na ‘di mo alam kung sino ang kalaban
Masarap mabuhay lalo na kapagka lumalaban

Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Kasi laging madilim tsaka nakakaligaw
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Saan ang tamang daan ako ay naliligaw

Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Kasi laging madilim tsaka nakakaligaw
Minsan ay parang gusto ko sumigaw
Saan ang tamang daan ako ay naliligaw

Beliebteste Lieder von Pio Balbuena

Andere Künstler von Asian hip hop