Barkadang Tunay
Kung ika’y nagsimula sa wala
Hindi ka galing sa pinakababa
Nabigo nasaktan nadapa pero
Hindi huminto kahit may kaba hoy
Magandang balita kaibigan
Hindi ka nag-iisa
Meron kang karamay sandigan
Tara at makinig ka na
Sa’yong paglalakbay
Sa hamon ng buhay
Sa bawat paghakbang
Ano man ang hadlang
‘Di pwedeng mag-isa
Mahirap pag walang kasama
Kailangan mo ng katulad
Kapareho ng puso at utak
‘Yong hindi bibitaw
Hindi mawawalan ng gana
‘Yong sa simula hanggang sa huli
Tiyak na iyong makakasama
Karagdagang lakas (oh)
Sa pag-angat ng antas
Kasama sa pagdiriwang
Ngayon tayo magdiwang
Nandirito kami
Umaga hanggang gabi
Matalo o magwagi
Ganyan ang barkada
Laging nasa ‘yong tabi
Simula hanggang sa huli
‘Wag nang pahuhuli
Sali na sa barkada
Tunay mong barkada
Ikaw man ang panalo hindi patatalo
San mang sulok ng mundo laging ganado
Sobra man o sakto biglaan o planado
Boyscout ang galawan laging handa to
Pinagdududahan ngayon hinahangaan
Tunay na kampeon ano man ang larangan
Ano man ang entablado asahan ang panalo
Basta kasama ang barkada sigurado
Nandirito kami
Umaga hanggang gabi
Matalo o magwagi
Ganyan ang barkada
Laging nasa ‘yong tabi
Simula hanggang sa huli
‘Wag nang pahuhuli
Sali na sa barkada
Tunay mong barkada
‘Yong hindi bibitaw
Hindi mawawalan ng gana
‘Yong sa simula hanggang sa huli
Tiyak na iyong makakasama
Karagdagang lakas (oh)
Sa pag-angat ng antas
Kasama sa pagdiriwang
Ngayon tayo magdiwang
Nandirito kami
Umaga hanggang gabi
Matalo o magwagi
Ganyan ang barkada
Laging nasa ‘yong tabi
Simula hanggang sa huli
‘Wag nang pahuhuli
Sali na sa barkada
Nandirito kami
Umaga hanggang gabi
Matalo o magwagi
Ganyan ang barkada
Laging nasa ‘yong tabi
Simula hanggang sa huli
‘Wag nang pahuhuli
Sali na sa barkada
Tunay mong barkada