Hindi Lang Sana Sa Pangarap
Minsan sa pangarap ko ay namasdan
Ang buhay na walang kasing ligaya
Dito natagpuan ikaw mahal
Sa pangarap ko ni isa walang hadlang sa pag-ibig
Sa paggising sa pagmulat ng aking mata
Bakas pa rin sa 'king labi ang nadama
'Di malimot umaasang makamtan sa iyo
Hindi lang sana sa pangarap makakapiling ka
'Di lang sana sa pangarap naroon ka
Magiging akin 'di lang tinatanaw sa kalayuan
'Di lang dito nais kang tingnan mayakap ka at mahagkan
Hindi lang sana sa pangarap matutupad ang hinahanap
Hindi lang sana sa pangarap ang lahat
Magiging akin 'di lang tinatanaw sa kalayuan
'Di lang dito nais kang tingnan mayakap ka at mahagkan
Hindi lang sana sa pangarap matutupad ang hinahanap
Hindi lang sana sa pangarap ang lahat