Gusto

Ilang gabi na lumuluha
Baka sakali na magsawa
Pero bakit hindi ko magawa
Sa tuwing naaalala ka
Puso'y nangungulila

Iniiwasan ika'y tawagan at sabihin gusto kang makita (oh)
Pero 'di ko na kaya mapagtakpan ang nararamdaman oh
Gusto ko sana na makita kang muli
Kahit man lang saglit 'di ko palalampasin

Kahit isang halik lang sa 'king pisngi (kahit isang halik)
Gusto ko lang gusto ko lang muli
Sana'y pagbigyan mo ako
'Di na manggugulo pagtapos nito

Nais ko lang makasama ka
Kahit saan ang mahalaga
Tayong dalawa
Kahit saan mo ako dalhin

'Di magdadalawang isip
'Di ako magpipiggil na sumama sa iyo
Ewan ba kung ba't ganito
'Di ko na rin maitago ang nararamdaman ko

Hanggang ngayon ikaw lang ang
Gusto ko sana na makita kang muli (oh)
Kahit man lang saglit 'di ko palalampasin (whoa)
Kahit isang halik lang sa 'king pisngi

Gusto ko lang (gusto ko lang)
Gusto ko lang muli
Gusto ko sana na makita kang muli

Kahit man lang saglit 'di ko palalampasin
Kahit isang halik lang sa 'king pisngi
Gusto ko lang gusto ko lang muli

Beliebteste Lieder von Raina

Andere Künstler von K-pop