Distansya
'Di ko alam kung paano
Sasabihin sa iyo
Nananalangin na sana'y
Wala sa ating susuko
Ayoko sanang makasakit
Sana naman ating ipilit
Madami ng pinagsamahan
'Wag naman sanang masayang
Dinggin itong himig para sa'yo
Damhin ang liwanag kahit magkalayo
Distansya natin ay hindi hahadlang
Pagkat gustong makapiling ay
Ikaw lamang
Pasenysa na kung ako'y lalayo
Para sa atin din ito
Kahit na ang hirap hirap
Para ito sa ating pangarap
Sana ito'y isang panaginip
Ikaw lang ang aking iniisip
Ito lang ang tanging paraan
Para sa ating kinabukasan
Dinggin itong himig para sa'yo
Damhin ang liwanag kahit magkalayo
Distansya natin ay hindi hahadlang
Pagkat gustong makapiling ay
Ikaw lamang
Lahat naman ay aking ibibigay
Mahawakan lang ang iyong mga kamay
Mawala man ako sa pagkahimlay
Makamit lang natin ang ating tagumpay
Dinggin itong himig para sa'yo
Damhin ang liwanag kahit magkalayo
Distansya natin ay hindi hahadlang
Pagkat gustong makapiling ay
Ikaw lamang