Isang Lahi
Kung ang tinig mo'y di naririnig
Ano nga ba ang halaga ng buhay sa daigdig
Darating ba ang isa ngayon
At magbabago ang panahon
Kung ang bawat pagdaing ay laging pabulong
Aanhin ko pa dito sa mundo
Ang mga matang nakikita'y di totoo
May ngiting luha ang likuran at paglayang
Tanong ay kailan bakit di natin isabog ang pagmamahal
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo
Pang-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y
Nandiyan sa palad mo
Diba't ang gabi ay mayroong wakas
Pagkatapos ng dilim ay may liwanag
Araw ay agad na sisikat
Iilawan ang ating landas ng magkaisa
Bawat nating pangarap
Sundan mo ng tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo
Pangunawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo
Sundan mo ng tanaw ang buhay (sundan mo ng tanaw ang buhay)
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay (mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay)
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo (bakit di pagmamahal ang ialay mo)
Pang-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pagdamay sa kapwa'y nandiyan sa palad mo