Nagkamali
Nadarama ko ang init ng tag-araw
Nakikita ko sa 'yong mga mata
Alaala ng musika sana'y matapos na
Bakit 'di mo harapin 'di ka na n'ya minamahal
Ika'y nag-iisa
Akala mo'y kaya mo pa
Kabaliwan alam ko 'yan
Ang ipinagdarasal
Nasasaktan ang puso kong
Labis mong sinugatan
Sinubukan ko ng lahat
Ngunit walang nangyayari
Giliw alam kong laman ng puso mo
Kahit na lumuha man ako
Ako'y mali
Nagkamali sa 'yong pag-ibig
Ang akala ko'y magbabago'ng damdamin mo
Sa mga pakita mong kay lambing
Iyon pala'y sa isip ko lang ito
Nagkulang daw ako
Kahit saan akong mapunta naroon ka
Lahat sila'y nakatingin
Ikaw at ako'y naroroon
Walang pinagbago
Ako'y lalayo lilimutin ka't gagawin ko
Masasaktan ang puso't 'di bali basta't sa 'yo
Pag-ibig sa 'yo ay wala na
Kahit na lumuha man ako
Ako'y mali nagkamali sa 'yong pag-ibig
Kay sakit ng nararamdaman
Sa sinapit ng puso ko
Ako'y mali nagkamali sa 'yong pag-ibig
Nasasaktan ang puso kong
Labis mong sinugatan
Sinubukan ko ng lahat
Ngunit walang nangyayari
Giliw alam kong laman ng puso mo
Kahit na lumuha man ako
Ako'y mali nagkamali sa 'yong pag-ibig
Kay sakit ng nararamdaman
Sa sinapit ng puso ko
Ako'y mali nagkamali sa 'yong pag-ibig
Ako'y mali nagkamali sa 'yong pag-ibig