Walang Kapalit

Rey Valera

'Wag magtaka kung ako ay 'di na naghihintay
Sa anumang kapalit ng inalay kong pag-ibig
Kulang man ang 'yong pagtingin
Ang lahat sa 'yo'y ibibigay kahit 'di mo man pinapansin

Huwag mangamba hindi kita paghahanapan pa
Ng anumang kapalit ng inalay kong pag-ibig
Sadyang ganito ang nagmamahal
'Di ka dapat mabahala hinanakit sa 'ki'y walang-wala

At kung hindi man dumating sa 'kin ang panahon
Na ako ay mahalin mo rin
Asahan mong 'di ako magdaramdam
Kahit ako ay nasasaktan
Huwag mo lang ipagkait
Na ikaw ay aking mahalin

Wissenswertes über das Lied Walang Kapalit von Rey Valera

Auf welchen Alben wurde das Lied “Walang Kapalit” von Rey Valera veröffentlicht?
Rey Valera hat das Lied auf den Alben “Walang Kapalit” im Jahr 2005, “Kung Kailangan Mo” im Jahr 2008, “SCE: Kung Kailangan Mo Ako” im Jahr 2008, “Rey Valera’s Greatest Hits, Vol 2” im Jahr 2009 und “18 Greatest Hits: Rey Valera” im Jahr 2009 veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Rey Valera

Andere Künstler von Film score