Miss Kita Kung Christmas

Alam mo sweetheart may parol na naman akong nakikita
May mga Christmas lights na nakasindi pero wala ka pa rin
Sumulat ka pa nga sa akin sabi mo uuwi ka na
Nag-overseas call ka pa nga e charge pa sa akin pero okay lang
Nasan ka ba

Ang disyembre ko ay malungkot pagkat miss kita
Ano mang pilit kong magsaya miss kita kung christmas
Kahit nasaan ako pabaling-baling ng tingin walang tulad mo
Ang nakapagtataka'y maraming nakahihigit sa iyo

Hinahanap-hanap pa rin kita
Ewan ko kung bakit ba
Ako'y iniwan mong nag-iisa
Miss kita oh giliw ko
Pasko'y sasapit
Di ko mapigil ang mangulila
Hirap ng mayroon ka ng iba
Oh pasko'y sasapit
Di ko mapigil ang mangulila
Hirap ng mayroon ka ng iba
Hirap ng mayroon ka ng iba

Sweetheart wala ka pa rin pero di bale hihintyain kita
Merry Christmas

Beliebteste Lieder von Rico J. Puno

Andere Künstler von Middle of the Road (MOR)