Gaya Mo

Di ko alam kung bat nagkaganito
Ang aking kwento biglang nagbago
Biglang ang labo

Kala ko noon mahal mo ko sagad hanggang buto
Hinala ko sayo'y lahat ng 'yon pala ay totoo
Tinitiis ko pa tinitiis kita
Pinipilit ko pang pikit mga mata
Eto na naman ako hindi na nadala

Gaya mo pare-pareho lang kayo
Pare-parehong manloloko
Ginamit nyo ko't pinaikot nyo lang ako
Gaya mo pare-pareho lang kayo
Pare-parehong manloloko
Ginamit nyo ko't pinaikot nyo lang ako

Bakit ganyan laging natye-tyempuhan
Wala namang balat bat laging maalat
Anak ng malas

Bakit laging ganon sa akin ay laging natataon
Mga katulad mo kagaya din ng syota ko noon
Nagpapakabaliw nagpapakatanga (tanga)
Nagpapakamartir nasasaktan na nga (tanga)
Eto pa rin ako walang kadala-dala

Gaya mo pare-pareho lang kayo
Pare-parehong manloloko
Ginamit nyo ko't pinaikot nyo lang ako
Gaya mo pare-pareho lang kayo
Pare-parehong manloloko
Ginamit nyo ko't pinaikot nyo lang ako

Gaya mo malambot kulot at mahaba ang kanyang buhok
Medyo matangkad sya mapungay ang mata may dimple sa pisngi
Balingkinitan ang katawan pero malaki ang balakang
May nunal sa hita sa leeg sa singit sa braso sa paa
Minsan medyo makapal ang mukha
Malakas kumain tumawa dumighay umutot at magsalita
Cap C ang sukat ng kanyang bra matagal sya kung maligo sa banyo at
Gugo din ang paborito nyang gamiting shampoo
Gaya mo magaling din sya magluto ng kare-kare eskabeche nilaga
Tapsilog hotsilog kaplog menudo adobo gisado sarsiado mechado
Barbecue babana cue kamote cue at gaya mo iniwan din niya ako

Gaya mo pare-pareho lang kayo
Pare-parehong manloloko
Ginamit nyo ko't pinaikot nyo lang ako
Gaya mo pare-pareho lang kayo
Pare-parehong manloloko
Ginamit nyo ko't pinaikot nyo lang ako

Gaya mo pare-pareho lang kayo
Pare-parehong manloloko
Ginamit nyo ko't pinaikot nyo lang ako
Gaya mo pare-pareho lang kayo
Pare-parehong manloloko
Ginamit nyo ko't pinaikot nyo lang ako

Wissenswertes über das Lied Gaya Mo von Rocksteddy

Wann wurde das Lied “Gaya Mo” von Rocksteddy veröffentlicht?
Das Lied Gaya Mo wurde im Jahr 2017, auf dem Album “Ang Album Na May Pinakamahabang Pamagat” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Rocksteddy

Andere Künstler von