Liwanag (Para Sa'kin) (feat. Kritiko)
Sam
Hindi pa rin lubos maisip
Paano mo ako nagawang ibigin
At kung sakali mang matapos
Lahat ay gagawin maibalik lang ng lubos
At kung lahat man ay magbago
Ikaw lang ang siyang totoo
At kung ako'y manghina man
Ikaw ang siyang sandigan
Bukas ko man ay madilim
Liwanag ka para sakin
Bawat oras na ako ay luhaan
Alam mo kung paano 'ko tatahan
(Pano ko tatahan)
Bawat pangarap, bawat pagdapa
Sabay nating lutasin isa-isa
At kung lahat man ay magbago
Ikaw lang ang siyang totoo
At kung ako'y manghina man
Ikaw ang siyang sandigan
Bukas ko man ay madilim
Liwanag ka para sakin
Ooh.. Ooh
Kritiko
Sa mga oras na hindi ko na kaya ayoko na
Binabalot ng kadiliman pag asa ay abo na
Wala na kong ibang makita kungdi luha sa mata
At ang tanging katapusan ko nalang ang magsasalba
Merong ikaw na nagsasabing patuloy na lumaban
May ikaw na laging nandyan upang akoy tulungan
May ikaw na dahilan ng patuloy kong kalakasan
May ikaw na bukod tanging hindi ako iniwanan
Sam
At kung lahat man ay magbago
Pag-ibig mo'y panghahawakan ko
At kung mundo man ay magmulang gumuho
Ikaw lang ang kakapitan ko
At kung ako'y mahulog man
Lilipari'y kalangitan
Di na muling magdidilim
Pagkat Liwanag ka para sakin
Kritiko
Hindi na muli pang mag didilim ang pananaw
Dahil nga merong ikaw
Na laging nandyan
Na sakin ay nakatanaw
Hindi na maliligaw
Dahil merong ikaw
Ikaw na palaging tanglaw at ilaw
Liwanag ko sa kadiliman
Gabay ko palagi'y tanging ikaw