Panaginip Ko'y Ikaw
Panaginip ko'y ikaw
Damdamin ko'y uhaw
Pagtulog ko ika'y nasisilayan
Paggising ko naman
Sa isip ko'y ikaw
Kailan kaya kita mahahagkan
Nais ka nang makita
Upang masabi kong
Ikaw ay para sa akin
Ikaw ang iibigin
Sana nga'y makapiling ka
Sa panaginip ko'y nakita
Ikaw ay para sa akin
Ikaw ang iibigin
Sana'y makapiling ka
Sa panaginip ko'y kasama ka
Sana'y makita na
Sagot ng tadhana
Masilayan ang iyong mukha
Iikot ang mundo
Lagi lamang sa'yo
Maaabot ko ang langit
Sa piling mo
Sa aki'y sumama na
Dahil alam mo bang
Ikaw ay para sa akin
Ikaw ang iibigin
Sana'y makapiling ka
Sa panaginip ko'y nakita
Ikaw ay para sa akin
Ikaw ang iibigin
Sana'y makapiling ka
Sa panaginip ko'y kasama ka
Nais kong madama
Yakap mong kay higpit
Hindi ko hahayaang
Ikaw mawalay pa sa aking tabi
Nais ka nang makita
Upang masabi kong
Ikaw ay para sa akin
Ikaw ang iibigin
Sana'y makapiling ka
Sa panaginip ko'y nakita
Ikaw ay para sa akin
Ikaw ang iibigin
Sana'y makapiling ka
Sa panaginip ko'y kasama ka
Kasama ka panaginip ko'y ikaw