Duyan
Parang may ulap sa 'king mga paa
Tuwing mumulat aking mga mata
Mamasdan ang iyong pagkahimbing
Ang iyong paghingang kay lambing
At paggising ay maghawak kamay
Yumakap ka't tayo'y sumayaw kasabay
Ng ritmo kumpas at pintig
Ng tugtog dito sa 'king dibdib
Ako ay iduyan mo
Ang bisig mo'y unan ko
Dahan dahang kumakampay habang nakadantay
Magkayakap sa bawat imbay
Ako ay iduyan mo
Ikaw ang kanlungan ko
Wala na kong nanaisin pa kundi ang makapiling ka
At umugoy sabay sa indayog ng duyan mo
Parang musika ang naririnig
Tuwing mahal kita'y mamumutawi sa iyong bibig
Pabulong mo pang sinasambit (sinasambit)
Tila bumabagal ang bawat saglit
Nakailang hiling na rin sa tuwing darating ang dumadalaw na bulalakaw
Kung maaari bang dumating ang tulad mo't magmistulang araw
At magbigay ng sigla
Ngayon sa buhay ko'y nariyan ka na
Ako ay iduyan mo
Ang bisig mo'y unan ko
Dahan dahang kumakampay habang nakadantay
Magkayakap sa bawat imbay
Ako ay iduyan mo
Ikaw ang kanlungan ko
Wala na kong nanaisin pa kundi ang makapiling ka
At umugoy sabay sa indayog ng duyan mo
Pakiramdam ay langit
Iingatan ko hanggang sa kahit
Tayo'y tumanda na at lumipas
Na pag-ibig ay niningas pa
Ngayon at kailan pa man
Ako ay iduyan mo
Ang bisig mo'y unan ko
Dahan dahang kumakampay habang nakadantay
Magkayakap sa bawat imbay
Ako ay iduyan mo
Ikaw ang kanlungan ko
Wala na kong nanaisin pa kundi ang makapiling ka
At umugoy sabay sa indayog ng duyan mo
Oh duyan mo