Mahal Pa Rin Kita

Sharon Cuneta

Sha ba da ba da da (dobidodo)

Di ko man maamin sa aking puso
Di na nararapat ngunit bakit ganito
Hanggang ngayo'y nasa sa isip ikaw lamang
Kahit na nga mahabang panahon na'ng nagdaan

Ako ba'y nagsisi't hinayaang mawala (hinayaang mawala)
Nalimutan ko na bang ako'y 'yong pinaluha (ako'y 'yong pinaluha)
Ikaw kaya'y gano'n din at minsa'y dumaraan
Sa isip mo'ng tamis ng dating pagmamahalan

Di na maaaring ibalik ating nakaraan
Di ko na nais pang madamang ako'y iyong saktan
Ngunit pilit mang limutin at
Di maamin sa puso't damdamin
Ikaw pa rin (ikaw pa rin mahal)
Mahal pa rin kita oh (sha ba da ba da da)

Minsan sa 'king pagtulog panaginip ka (panaginip ka)
Ang puso ko'y hindi pa rin mapahinga
Akala mo'y wala na
O kung alam mo sana
Hindi pa rin nagbabago
Pag-ibig ko sa 'yo

Di na maaaring ibalik ating nakaraan
Di ko na nais pang madamang ako'y iyong saktan
Ngunit pilit mang limutin ay
Di maamin sa puso't damdamin
Ikaw pa rin (ikaw pa rin mahal)
Mahal pa rin kita (minamahal pa rin kita)
Mahal pa rin kita (minamahal pa rin kita)

Di na maaaring ibalik ating nakaraan
Di ko na nais pang madamang ako'y iyong saktan
Ngunit pilit mang limutin at
Di maamin sa aking damdamin
Ikaw pa rin (ikaw pa rin mahal)
Mahal pa rin kita (sha ba da ba da)
Mahal pa rin kita (sha ba da ba da)
Mahal pa rin kita (sha ba da ba da)
Mahal pa rin kita (sha ba da ba da)
Mahal pa rin kita (oh)

Wissenswertes über das Lied Mahal Pa Rin Kita von Sharon Cuneta

Auf welchen Alben wurde das Lied “Mahal Pa Rin Kita” von Sharon Cuneta veröffentlicht?
Sharon Cuneta hat das Lied auf den Alben “When I Love” im Jahr 1999 und “Sharon Silver Series” im Jahr 2006 veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Sharon Cuneta

Andere Künstler von Middle of the Road (MOR)