Nasaan Ngayon
Ako ba talaga'y mahal mo rin
Bakit ba hanggang ngayo'y hindi ka akin
Pangako mo sa akin ang liwanag siya
Ngunit hanggang ngayon ikaw ay kanya pa
Nasaan ngayon ang pag-ibig
Na pangako mo sa akin
Habang buhay na lang ba
Akong maghihintay sa'yo
Ang pag-ibig mo'y nasaan ngayon
Ako ba'y hindi mo maintindihan
Kailan mo pa ako pagbibigyan
Huwag mo sanang ulit-ulitin pa
Na sandali na lang ikaw ay akin na
Nasaan ngayon ang pag-ibig
Na pangako mo sa akin
Habang buhay na lang ba
Akong maghihintay sa'yo
Ang pag-ibig mo'y nasaan ngayon
Puso ko na lang
Palagi ang nananabik sa'yo
Di mo ba alam kung gaano kahirap sa 'kin 'to
Nasaan ngayon ang pag-ibig
Na pangako mo sa akin
Habang buhay na lang ba
Akong maghihintay sa'yo
Ang pag-ibig mo'y nasaan ngayon
Ang pag-ibig mo'y nasaan ngayon