Trip Lang

Yumi Lacsamana, Thyro Alfaro, Shehyee

[Intro: Sam Pinto, Shehyee]
Trip, trip, trip, trip lang (Yo!)
Trip, trip, trip, trip lang (Pakinggan niyo 'to)
Bakit? (Trip lang)

[Verse 1: Shehyee]
Halika na, tara, madali lang talaga
Pangako pagkatapos humihinga ka pa
Dali na, pare, magliliwanag na
Kung 'di ka sasabay, maiiwanan ka
Ang isip ay 'wag nang gawing pangdalawa dahil isa lang ito
Gusto lang naman nito ay maging masaya
Para 'di ka mabato ay iwasan mo
Ang pananatili sa isang lugar, ibig ko sabihin ay 'wag ka papasakop
Sa takot, 'wag ka papasakop
Kapag nangati, eh, 'di, kamot
Ito'ng isipin mo, hindi ba't sa lahat ng karanasan mo dito sa mundo
Bilang tao gano'n pa rin, hindi nagbago
Pinakamasaya 'yung 'di pinlano

[Pre-Chorus: Sam Pinto]
Kasi 'pag 'di mo pa alam ('Di mo pa alam)
Nakakatakot pero exciting naman! (Exciting, kaya!)

[Chorus: Sam Pinto, Shehyee]
Sumabay na, si Batman ang bahala
Oras na't subukan ang 'di pa nagagawa
Minsan lang kaya magpakaligaya
Mag-enjoy, magsaya, walang mawawala (Kasi)

[Post-Chorus: Sam Pinto]
Trip, trip, trip, trip lang
Trip, trip, trip, trip lang

[Verse 2: Shehyee]
May gusto kang gawin pero nangagamba na baka mga tao'y tawanan ka
Nais kumanta pero 'di mo forte, limang piso lang naman ang karaoke
Go, basta sa bakanteng lote
Joke, galingan kahit konti
Kahit trip, 'bigay lahat sa ginagawa mo
Nang sa gano'n ay walang masabi ang ibang tao
Sa ginagalawan nating mundo ay maraming loko-loko
Hindi mo naman inaano, ano ba talaga ang kailangan niyo?
Siguro ang trip ko'y trip n'yo rin
Hindi niyo lang magawang gawin
Kung yun, eh, 'di sakyan mo na lang
Wag ka nang mag alala kung saan ka dadalhin

[Pre-Chorus: Sam Pinto]
Oo, 'pag 'di mo pa alam ('Di mo pa alam)
Nakakatakot pero exciting naman! (Exciting, kaya!)

[Chorus: Sam Pinto, Shehyee]
Sumabay na, si Batman ang bahala (Bahala na si Batman)
Oras na't subukan ang 'di pa nagagawa (Go)
Minsan lang kaya magpakaligaya (Magpaka, magpakaligaya)
Mag-enjoy, magsaya, walang mawawala (Kasi)

[Post-Chorus: Sam Pinto]
Trip, trip, trip, trip lang
Trip, trip, trip, trip lang

[Bridge: Sam Pinto]
Kahit na hindi magaling umawit, malakas pa din ang loob, 'cause
Maganda ako, oh, bakit?
Kung ayaw mo, eh, 'di wag ka manood (Chos!)
Wag ka na magalit, don't be bad trip
Wala namang bad sa trip kong gawin
Kung ako sa'yo, para happy sa trip ay sumaba na rin (Gora!)

[Chorus: Sam Pinto, Shehyee]
Sumabay na, si Batman ang bahala (Bahala na si Batman)
Oras na't subukan ang 'di pa nagagawa (Go)
Minsan lang kaya magpakaligaya (Magpaka, magpakaligaya)
Mag-enjoy, magsaya, walang mawawala (Kasi)

[Outro: Sam Pinto & Shehyee]
Trip, trip, trip, trip lang
Trip, trip, trip, trip lang
Trip, trip, trip, trip lang
Trip, trip, trip, trip lang
Trip, trip, trip, trip lang
Trip, trip, trip, trip lang

Beliebteste Lieder von Shehyee

Andere Künstler von Asian hip hop