Bahay-Bahayan
Sariwa pa sa akin ang nakaraan
Bata pa tayo noon at walang kamuwang-muwang
Magkalarong lagi at may tuksuhan
Ng musmos na isipan sa bahay-bahayan
Laging bulong noon ng aking damdamin
Ang nadama sayo na 'di pa pwedeng aminin
Unti-unti mong pagganda'y nasaksihan
Tinatanaw-tanaw iniingat-ingatan
Sayang naman
Hindi mo ba ito alam
Sayang naman
Maghihintay na lang
Sa bahay-bahayan na puno ng kasiyahan
Mga ngiti mong tila may kahulugan
Sa mura mong edad ako'y may kasalanan
Sa lihim kong 'di dapat sa kabataan
At dumating na nga ang tamang panahon
Binata na ako at dalaga ka na ngayon
At dumating din ang ang kinatatakutan
Hindi ako pagka't iba pala ang iyong nagustuhan
Sayang naman
Itong inaasam-asam
Sayang naman
Ba't nagkaganyan
Sayang naman
Itong inaasam-asam
Sayang naman
Ba't nagkaganyan
Sariwa pa sa akin ang nakaraan
Kaya dama ko pa ang sakit na naranasan
Hindi biro ang ganitong kapalaran
Na ka'y tagal-tagal ko ng pinanghihinayangan
Sayang naman
Itong inaasam-asam
Sayang naman
Ba't nagkaganyan
Sayang naman
At 'di na pwedeng balikan
Sayang naman
Itong bahay-bahayan