Isla Puting Bato [The Best of Siakol, Vol. 2]
Isang gabi nanaginip ako
Lumubog ang sinasakyan kong barko
Inanod ako sa lakas ng hangin
Hanggang sa napadpad ako sa buhangin
Ako'y natuwa dahil ako'y buhay
Nang may nakita akong
Babaeng walang malay
Siya'y nilapitan upang aking tulungan
Nang siyay natauhan ay aking namasdan
O kay amo ng kanyang mukha
Sa ganda para siyang diwata
Kahit gan'to ang aking sinapit
Ngunit siya naman ay hulog ng langit
Sa isla puting bato
Naging sarili namin ang mundo
Walang naging hadlang doon
Kahit kami ay magpa gulong gulong
Lugar na tahimik ngayo'y sumaya
Sa pag-iibigan naming dalawa
Nalunod ako sa kanyang mga halik
At sa yakap niya na anong higpit
Nawalay man sa mga mahal sa buhay
Di ko na naisipan pa ang malumbay
Magagandang tanawin at sariwang prutas
At ang kalayaan na dinaranas
Ngunit ang tunay na dahilan
Sa aking lubos na kaligayahan
Ay ang tulad niya na aking pangarap
At sa piling niya na walang kasing sarap
Sa isla puting bato
Naging sarili namin ang mundo
Walang naging hadlang doon
Kahit kami ay magpa gulong gulong
Nilimot namin ang aming problema
Paraiso na para sa'min ang isla
Takbo ng oras ay walang sinasayang
Naghahabulan at nagkakantahan
Hanggang sa sumapit ang bilog na buwan
Kami ay nagmistulang Eba at Adan
At nang titikman ko na ang kanyang mansanas
Ako'y nabigla at napa-baligwas
Ako pala ay nagising
Sa panaginip ay nabitin
Panaginip na anong ganda
Sa pagtulog ko sana'y muli siyang makita
Sa isla puting bato
Naging sarili namin ang mundo
Walang naging hadlang doon
Kahit kami ay magpa gulong gulong
Sa isla puting bato
Naging sarili namin ang mundo
Walang naging hadlang doon
Kahit kami ay magpa gulong gulong