Tila

Tila humihinto ang aking panahon
Walang naririnig kundi huni ng ibon
Umaawit dinadala ng ihip ng hangin

Tila gumagandang lalo mga rosas
Sabay sabay silang sumasayaw

Sa hampas ng hangin
Dumadampi at bumubulong sayo

Oh naririnig mo ba ang bulong ng puso ko
Oh binubulong ng hangin

Tila ngumingiti ang araw sa umaga
Mga paru-paro'y naglalaro

Sa hampas ng hangin
Dumadampi at bumubulong sa'yo

Oh naririnig mo ba ang bulong ng puso ko
Oh binubulong ng hangin sayo
Oh naririnig mo ba ang bulong ng puso ko
Oh binubulong ng hangin

Sana nga ito ay marinig
Binubulong ng hangin ang dama nitong dibdib

Naririnig mo bang bulong ng puso ko
Oh binubulong ng hangin sayo
Oh naririnig mo bang bulong ng puso ko
Oh binubulong ng hangin sayo
Oh naririnig mo bang bulong ng puso ko
Oh binubulong ng hangin

Beliebteste Lieder von Side A

Andere Künstler von Pop rock