Dekada 90

Kung wala na akong mapuntahan
Pwede ba kitang mapasyalan
Kung mapagod na ako sa kakaisip
Sasamahan mo ba akong managinip

Wag ka munang umuwi
Hangga't di pa ako ngumingiti

Kakapagod din pala ang mamroblema
Kalayaan ko ay di na makita
Nais kong tumakas at ayokong masundan
Makinig ka muna kahit di maiintindihan
Kwentuhan muna tayo
Anong balita sa cembo

Wag ka munang umuwi
Hangga't di pa ako ngumingiti

Ibabalik natin ang kahapon mabubuhay sa noon
Nakaraan laging masaya pakikinggan si ely buendia
Kahit ako'y mapuyat pa tatagayan lang kita

Minsan lang kitang makasamang sasalubungin ang umaga
Panahon ng nangongopya sa eskwela
Ligawan sa gitna ng kalsada
Panahon ng mga tunay na banda
Ninanakaw lang ng mga pirata
Panahon ng bulag na sistema
Malayang nag-rarally ang masa

Babalik sa dekada nobenta (nobenta nobenta)
Babalik sa dekada nobenta (nobenta nobenta)
Babalik sa dekada nobenta (nobenta nobenta)
Babalik sa dekada nobenta (nobenta nobenta)
Babalik sa dekada nobenta

Wissenswertes über das Lied Dekada 90 von Silent Sanctuary

Wann wurde das Lied “Dekada 90” von Silent Sanctuary veröffentlicht?
Das Lied Dekada 90 wurde im Jahr 2009, auf dem Album “Mistaken For Granted” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Silent Sanctuary

Andere Künstler von Pop rock