Huli Na Ang Lahat

Lalabas na muna 'ko ng bahay magpapahangin lang
Maya maya pa't mababawasan ang tinik sa kalamnan
Dati-rati sa tuwing tayo'y may tampuhan lambingan ang sagot sa daan
Anong nangyari laging sinasabi pag-ibig na walang hanggan

Ganyan ba talaga sa una ibang kislap ng mga mata
Ngunit habang tumatagal ay konting kibo't naiinis na
Pumapangit ang ating itchura bumibilis sa pagtanda
Tuldok na insidente lalong gumagrabe tiwala ay naging bula
Dumidilim ang langit

Huli na ang lahat sa atin
Dumating na ang panahon
Diligan mo man ang damdamin
Di na lalago mga dahon

Isulat na natin ang wakas sa huling pahinang babasahin
Wala nang aatras sabihin ang dapat aminin
Pasensya ka na di naibigay ang lahat sayo
Sabay huminga sumisikip na ang mundo
Dumidilim ang langit

Huli na ang lahat sa atin
Dumating na ang panahon
Diligan mo man ang damdamin
Di na lalago mga dahon
Huli na ang lahat sa atin
Palayo na ang tugon
Matayog na ang puno
Ngunit ugat nama'y nalason

Huli na ang lahat (Huli na ang lahat)
Huli na ang lahat (Huli na ang lahat)
Huli na ang lahat (Huli na ang lahat)
Huli na ang lahat

Malaya ka na malaya narin ako
Malaya na tayo

Wissenswertes über das Lied Huli Na Ang Lahat von Silent Sanctuary

Wann wurde das Lied “Huli Na Ang Lahat” von Silent Sanctuary veröffentlicht?
Das Lied Huli Na Ang Lahat wurde im Jahr 2015, auf dem Album “Langit Luha” veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von Silent Sanctuary

Andere Künstler von Pop rock