Sa Piling Mo [Pop Rock]

'Wag madismaya sugal ang buhay
Kasama 'yan sa paglalakbay
Matututo ka ba kung 'di nagkamali
Alam mo ang sagot 'di ba hindi

Mga bagay na bagong haharapin
Kailangan pang hawakan at gawin
Ngunit kahit ano pa man ang dumating
Nandito na ako at dadamay sa'yo

Mula ngayon 'di ka na mag-iisa
'Wag matakot mawala
Sasamahan ka hanggang langit at 'di bibitaw
Sa piling mo
Sa piling mo

Kung nais lumipad 'di babawalan
Hindi magdaramdam hihintayin ka lang
Kapag inaapi 'wag nang lumaban
Akong mauuna't baka ka masaktan

Mga bagay na ating haharapin
Dal'wa tayo sabay natin lulutasin
Kaya kahit anong unos pang darating
'Wag nang mangamba aalalayan kita

Mula ngayon 'di ka na mag-iisa
'Wag matakot mawala
Sasamahan ka hanggang langit
At 'di bibitaw sa piling mo

Umuwi ka lang sa akin
Lungkot at galit pahupain
Umuwi ka lang sa akin
Lungkot at galit pahupain
Sa aking piling

Mula ngayon 'di ka na mag-iisa
'Wag matakot mawala
Sasamahan ka hanggang langit at 'di bibitaw

Mula ngayon kahit pa lumuha ka
Mawalan nang pag-asa
Alam mo sa'n ako hahanapin at laging nandyan
Sa piling mo
Sa piling mo
Sa piling mo

Beliebteste Lieder von Silent Sanctuary

Andere Künstler von Pop rock