Tag-araw
Katulad mo rin ba akong
Hindi makatulog?
Paikot-ikot ang isipan ko
Lumalamig na ang gabi
Di ko pinapansin
Hanggang ngayon aking tinatanggi
Bakit ba
Ang puso ko'y
Nagpupumilit na labanan
Ang pag-ikot ng orasan
Gusto kong pigilan ang ulan
Nagpapaalam na ang tag-araw
Nagluluksa ang tulad kong
Hindi natatanggap
Ang panahong lumilipas
Paalam tag-araw
Katulad mo rin ba akong
Hindi mapakali
May bagyo sa aking damdamin
Nagtatagal na ang gabi
Di ko pinapansin
Hanggang kalian kaya magkukubli
Bakit ba
Ang puso ko'y
Nagpupumilit balikan
Ang kahapong di na matanaw
Gusto kong pigilan ang ulan
Nagpapaalam na ang tag-araw
Nagluluksa ang tulad kong
Hindi natatanggap
Ang panahong lumilipas
Paalam tag-araw
Gusto kong pigilan ang ulan
Nagpapaalam na ang tag-araw
Nagluluksa ang tulad kong
Hindi natatanggap
Ang panahong lumilipas
Paalam tag-araw
Paalam tag-araw
Paalam tag-araw