Elocin

Laurence Bucsit

Meron akong nakilalang eabab
Hindi pangkaraniwan
Kaya dumiskarte na agad
Chinita kutis porselana
Parang si Rosanna
Maamo ang mukha
At ang katawan mala Ivana
Gagana ba ang mga bola?
Biglang napadasal ng Aba Ginoong Maria
Mapasakin siya
Mapupuno ako ng grasya
Kulong na ang puso mo
Ikaw ay nabagansya
Wag kang matakot
Wag ka sanang dumistansya
Pinagtagpo ng tadhana
Hindi disgrasya
Sana totoo na
Ang mga pantasya
Kasi ikaw lang talaga
Kung papalarin at
Ako'y iyong hayaan
Palagi kang maluluha
Sa kasiyahan
Hindi ka sasaktan
At aalagaan
Kasi ikaw lang talaga

Ang nagbigay ng kulay
Sa buhay ko
Nagiba ang ikot
Ng mundo ko
Sa dilim
Ikaw ang nakita ko
Kuntento na ko
Sa chinita ko
At kahit mahirap man
At magulo
Umaraw man
O kahit bumagyo
Di ako
Aalis dyan sa tabi mo
Kuntento na ko
Sa chinita ko

At pinagkatiwala mo na sakin
Ang 'yong puso
Di magiging tuso
Hiwalayan di na sakin uso
Hindi na bubuga ng usok
Dating mapusok
At ng kumatok
Ay iyo ngang pinapasok
Naniniwala ka sa akin yeah
Kaya pangako na
Aking tutularin
Mga pangarap
Na inukit yeah
Kahit chinita ay nakita yeah
Kaya gusto ko naman
Sanang ipakita yeah
Tapos na kong
Maging bugoy
Mga homeboy
Tinaboy
Hindi ko na
Nilalaro ang apoy
Inahon mo sa kumoy
Kahit na maputik
Tumuloy
Lahat sila'y
Sumisigaw ng hoy!
Salamat kasi
Nandyan ka pa rin
Kahit wala
Ni isang kusing
Ikaw yung taong
Di ko kayang tiisin
Kasi ikaw lang talaga
(Ang aking mamahalin)

Ang nagbigay ng kulay
Sa buhay ko
Nagiba ang ikot
Ng mundo ko
Sa dilim
Ikaw ang nakita ko
Kuntento na ko
Sa chinita ko
At kahit mahirap man
At magulo
Umaraw man
O kahit bumagyo
Di ako
Aalis dyan sa tabi mo
Kuntento na ko
Sa chinita ko
Ang nagbigay ng kulay
Sa buhay ko
Nagiba ang ikot
Ng mundo ko
Sa dilim
Ikaw ang nakita ko
Kuntento na ko
Sa chinita ko
At kahit mahirap man
At magulo
Umaraw man
O kahit bumagyo
Di ako
Aalis dyan sa tabi mo
Kuntento na ko
Sa chinita ko

Beliebteste Lieder von Slick

Andere Künstler von Disco