Saan Na Nga Ba Ang Barkada
Nagsimula ang lahat sa eskwela
Nagsama-samang labing-dal'wa
Sa kalokohan at sa tuksuhan
Hindi maawat sa isa't-isa
Madalas ang stambay sa cafeteria
Isang barkada na kay saya
Laging may hawak-hawak na gitara
Konting udyok lamang kakanta na
Kay simple lamang ng buhay non
Walang mabibigat na suliranin
Problema lamang laging kulang ang datung
Saan na napunta ang panahon?
Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na napunta ang panahon
Saan na nga ba, saan na nga ba
Saan na napunta ang panahon?
Sa unang ligaw kayo'y magkasama
Magkasabwat sa pambobola
Walang sikreto kayong tinatago
O kay sarap ng samahang barkada
Nagkawatakan na sa kolehiyo
Kanya-kanya na ang lakaran
Kahit minsanan na lang kung magkita
Pagkakaibiga'y hindi nawala
At kung saan na napadpad ang ilan
Sa dating eskwela meron ding naiwan
Meron pa ngang mga ilang nawala na lang
Nakaka-miss ang dating samahan
Saan na nga ba, san na nga ba
Saan na nga ba'ng barkada ngayon?
Saan na nga ba, saan na nga ba
Saan na nga ba'ng barkada ngayon?
Ilang taon din ang nakalipas
Bawat isa sa amin, tatay na
Nagsusumikap upang yumaman
At guminhawang kinabukasan
Paminsan-minsan kami'y nagkikita
Mga naiwan at natira
At gaya nung araw namin sa eskwela
Pag magkasama ay nagwawala
Napakahirap malimutan
Ang saya ng aming samahan
Kahit lumipas na ang ilang taon
Magkakabarkada pa rin ngayon
Magkaibigan, mga kaibigan
Magkaibigan pa rin ngayon
Magkaibigan, magkaibigan
Magkabarkada pa rin ngayon