3:15 [feat. Kiyo]

Ito ang langit sa lupa
Walang makakaabala
Walang ganang pumatak mga luha
Ako ang baril ikaw nagpapaganang bala
Sa init ng titig
Ako pa ri'y napapaisip
'Di basta-basta na maakit
Puso at utak magkapit-bisig

Palapit na nang palapit
Palapit na nang palapit
Pahigpit na nang pahigpit
'Wag ka nang umalis
Nakakainis ang bilis ng takbo ng oras
Palapit na nang palapit
Palapit na nang palapit
Pahigpit na nang pahigpit
'Wag ka nang umalis
Nakakainis ang bilis ng

Humahampas ang hangin ng katotohanan
Ngunit ayaw kong malanghap nang tuluyan
Ayaw kong maramdaman pilit na iniiwasan
'Di matakasan kakaibang nararamdaman
'Di ko mapigilan 'di ko rin mahindian
Hinahanap-hanap ko't binabalikbalikan
Laging ganadong dumayo, ga'no man kalayo
Ikaw ang pahinga ko't sa'yo ay kalmado

Palapit na nang palapit
Palapit na nang palapit
Pahigpit na nang pahigpit
'Wag ka nang umalis
Nakakainis ang bilis ng takbo ng oras
Palapit na nang palapit
Palapit na nang palapit
Pahigpit na nang pahigpit
'Wag ka nang umalis
Nakakainis ang bilis ng

Ikulong mo ako
Ikulong mo ako
Ikulong mo ako sa mainit na mga bisig mo
Bubulong ko sa'yo (woah)
Bubulong ko sa'yo
Bubulong ko sa'yo
Mga nais ko na malaman mo

Papalapit na ang takipsilim
Kasabay ng pagdilim ang mga lihim
Anino sa paligid may gustong sabihin
Dami ng mga mata bakit 'di marinig (oh)
'Di ko matanggi puso nagwagi
Utak balisa sa'yo ay sabik na sabik na sabik (mmh oh)
Bigkas ng bibig halik sa leeg
Saksak sa dibdib bilib na bilib (mmh oh)
Ngiti at halik mo'y hanap ko
Akin na hangin na galing sa labi mo
Baka pwede pa kakaiba
Bukod-tangi at laging ganadong dumayo
Sa'yo ay kalmado
Ikulong ako sa kwarto mong kwadrado

Palapit na nang palapit
Palapit na nang palapit
Pahigpit na nang pahigpit
'Wag ka nang umalis
Nakakainis ang bilis ng takbo ng oras
Palapit na nang palapit
Palapit na nang palapit
Pahigpit na nang pahigpit
'Wag ka nang umalis
Nakakainis ang bilis ng takbo ng oras

Wissenswertes über das Lied 3:15 [feat. Kiyo] von syd hartha

Auf welchen Alben wurde das Lied “3:15 [feat. Kiyo]” von syd hartha veröffentlicht?
syd hartha hat das Lied auf den Alben “3:15” im Jahr 2022 und “gabay” im Jahr 2023 veröffentlicht.

Beliebteste Lieder von syd hartha

Andere Künstler von Alternative rock