Salimpusa

Nagbabago na naman ang ihip ng hangin
Kaya naman pala bigla kang dumating
Pare pare pare itigil mo na yan
Ang iyong kulog kulang sa ulan

Puro ka reklamo laging naiinis
Tumahimik ka muna at magbuhat ng walis
Sala sa lamig sala sa init
Pagkatao huwad huwag mo nang ipilit

At bago mo ikuwento ang yong pagdurusa
Maghanap ka muna ng sariling kusa

Salimpusa
Bumaba ka sa trono mo
Salimpusa
Di ka kailangan dito
Salimpusa
Salimpusa

Ang galing mo talagang makisakay sa iba
Ang galing mo talagang makibaka
Puro daldal wala namang gawa
Kapag di pinansin nagmamakaawa

At bago mo ikuwento ang yong pagdurusa
Maghanap ka muna ng sariling kusa

Salimpusa
Bumaba ka sa trono mo
Salimpusa
Di ka kailangan dito
Salimpusa
Salimpusa

Anak ka ng alam mo na
At bago mo ikuwento ang yong pagdurusa
Maghanap ka muna ng sariling kusa

Salimpusa
Bumaba ka sa trono mo
Salimpusa
Di ka kailangan dito
Salimpusa
Salimpusa
Salimpusa
Bumaba ka sa trono mo
Salimpusa
Dapat kang magbago
Salimpusa
Salimpusa

Beliebteste Lieder von The Dawn

Andere Künstler von Pop rock