Kilometro

Gagawin ko ang lahat upang sa huli sa huli sa huli ay tayo
Kung kailangan kong tahakin ang kilome-kilome-kilometrong layo

Oh oh

Bakit nga ba itong agwat natin
Pinipilit palawakin
Pero habang merong bumabalakid
Ang pag-ibig lumalalim
Tila tala sa tala ang layo at 'di ka na matanaw
Pero 'pag humahaba ay lalo kitang sinisigaw

Maging ang laot walang takot na tatawirin
Kahit alon ay umabot sa papawirin
Sa'n man dako'y pinangakong makakarating
Ikaw lang ay makapiling

Gagawin ko ang lahat upang sa huli sa huli sa huli ay tayo
Kung kailangan kong tahakin ang kilome-kilome-kilometrong layo
Woah kilome-kilome-kilometrong layo
Woah kilome-kilome-kilometrong layo

Sumasalungat ang daigdig
At tayo'y 'di magkasalubong
Oh dapat na ba 'kong makinig
Magpadala na sa daluyong
Inanod inagos at halos hindi ka na matanaw
Pagtapos mabalot ng galos sigaw pa rin ay ikaw

Maging ang laot walang takot na tatawirin
Kahit alon ay umabot sa papawirin
Saan man dako'y pinangakong makakarating
Ikaw lang ay makapiling

Gagawin ko ang lahat upang sa huli sa huli sa huli ay tayo
Kung kailangan kong tahakin ang kilome-kilome-kilometrong layo
Woah kilome-kilome-kilometrong layo
Woah kilome-kilome-kilometrong layo

Maging ang laot walang takot na tatawirin
Kahit alon ay umabot sa papawirin
Sa'n man dako'y pinangakong makakarating
Ikaw lang ay makapiling

Gagawin ko ang lahat upang sa huli sa huli sa huli ay tayo
Kung kailangan kong tahakin ang kilome-kilome-kilometrong layo
Woah kilome-kilome-kilometrong layo
Woah kilometrong layo

Beliebteste Lieder von This Band

Andere Künstler von Pop rock