Mare (Sessions On Q)

Toto Sorioso

Mare

VERSE
Kamusta ka na Mare?
Ang mundo mong pabagu-bago
Nagbabago pa ba?

Ilang linggo na ang lumipas
Mula nung tayo’y nag usap.
Naalala mo pa ba?

Ang mga nasabing hindi ko matanggap.
Ayokong maniwalang wala lang ang lahat.

Pilitin mang limutan ka, hindi ko magawa.
Subukan mang sa’yo’y lumayo, sadyang pinagtatagpo
Ang ating tadhanang paliguy-ligoy lamang.
Wala na akong ibang patutunguhan
Kundi ikaw….
Kundi ikaw….

VERSE
Kamusta ka na Mare?
Sana’y hindi ka naabala
Sa biglang kong pagbisita.

Handang-handa na akong
Maging kaibigan muna.
‘wag lang mawala sa eksena.

Pasensiya ka na. Ang daming pagkukulang
Ng buhay kong palutang-lutang lang…dahil…

Pilitin mang limutan ka, hindi ko magawa.
Subukan mang sa’yo’y lumayo, sadyang pinagtatagpo
Ang ating tadhanang paliguy-ligoy lamang.
Wala na akong ibang patutunguhan
Kundi ikaw….
BRIDGE
Oh…
Hindi ko makayanan…
Oh…
itong kalungkutan.
Oh…
Ako’y nasasaktan.
‘wag ka na sanang mailang.

Pasensiya ka na. Ang daming pagkukulang
Ng buhay kong palutang-lutang lang…dahil…

Pilitin mang limutan ka, hindi ko magawa.
Subukan mang sa’yo’y lumayo, sadyang pinagtatagpo
Ang ating tadhanang paliguy-ligoy lamang.
Wala na akong ibang patutunguhan
Kundi ikaw…. Kundi ikaw….
Kundi ikaw….Kundi ikaw….

CODA
Kamusta ka na Mare?
Ang puso mong pabagu-bago
magbabago pa ba?

Beliebteste Lieder von Toto Sorioso

Andere Künstler von Pop rock