Pananatili [Batay Sa Ruth 1:16-17]

Pananatili
Batay sa Ruth 1:16-17
Titik at Himig: Noel Miranda

Huwag mong naising lisanin kita;
Wala 'kong hangaring ika'y mag-isa.

Sa'n man magtungo, ako'y sasabay,
Magkabalikat sa paglalakbay.

Mananahan sa tahanang sisilong sa 'yo,
Yayakapin ang landasin at bayan mo.

Poon mo ay aking ipagbubunyi
At iibigin nang buong sarili.

Sa'n man abutin ng paghahanap,
Ikaw at ako'y magkasamang ganap.

Ipahintulot nawa ng Panginoon:
Ni kamataya'y maglalaho, anino ng kahapon.

Dahil pag-ibig ang alay sa 'yo,

mananatili ako.
H'wag nang naising tayo'y mawalay,
H'wag nang isiping
Magwawakas ang paglalakbay.

H'wang mong naising lisanin
Wala akong hangaring ika'y mag isa
Sa'n man magtungo ako sasabay
magkabalikat sa aking paglakbay
Mananahan sa tahanang sisilong sa 'yo,
Yayakapin ang landasin at bayan mo.

H'wag mong naiising lisanin kita.

Beliebteste Lieder von Toto Sorioso

Andere Künstler von Pop rock