Gusto Ko (Pagsundo)
Dahan-dahang nagbabagong
Hugis ng mundong ating ginagalawan
Ako'y paparito ika'y paparoon
Di na natutulad sa buhay natin noon
Mamumulat ang matang paalis ka na pala
Hindi mapigil na isiping may nagbago nang talaga
Ngunit sa kabila ng lahat ng to
Ikaw parin ang nais makasama ko
Oh
Ito na nga ba'y pang habangbuhay
Oh
Walang pagpapanggap totoo at tunay
Kung nais mong ako ang makasama mo
Wag kang mag-alala nandito lang ako
Naghihintay sa iyong pagsundo
Gusto mo gusto ko
Kaya ko kaya mo
Sama tayo
Bawa't araw at gabi tayo paring magkatabi
Kahit minsang magkalayo
Sa gitna ng pagsubok isang tawag ako'y susugod
Kailanman'y di ka tatalikuran
Palagi kang sinasisip gising man o nananaghinip
Walang katulad na bigkis tayo
Sa dinadami ng makikilala mo
Sana'y ako parin ang siyang piliin mo
Oh
Ito na nga ba pang habang panahon
Oh
Kay raming pinagdaanan noon at ngayon
Ang nais ko parin tayo ang magkapiling
Walang pag aalinlangan abangan ako sa aking pagdating
Uh oh oh
Gusto mo gusto ko
Kaya mo kaya ko
Sama tayo
Gusto mo gusto ko
Kaya mo kaya ko
Sama tayo
Gusto mo gusto ko
Kaya mo kaya ko
Sama tayo