Magsikap

Jhomar Lim

Kanya-kanyang storya ng bawat nakaraan
Tinding pinagdaang ikaw lang may alam
Puro leksyon ang baon, puso'y labis nasaktan
Pagbante ang atake gang bigat ay gumaan
Nais ko lang e kwento ang buhay na nagdaan
Lugmok sa suliraning hindi ko matakbuhan
Luho ay pinunan, puro pa kahambugan
Di alintana ang epektong patungo sa kawalan
Hinamak mga payo para sa kabutihan
Nabuhay sa dilim at aking nasaksihan
Iba ang tunay na ligaya sa kasamaan
Kesa sayang ikaw na ay nasa tamang kinalalagyan
Lumipas mga araw, walang matakbuhan
Lumuluhang nakatitig, bulsa'y walang laman
Nakaupo lang sa gilid, kumukulo ang tyan
Nakalutang ang isip, gagawin ay di alam

Piliin magtyaga kahit pa madapa
Wag ka lang tumigil tyak may mapapala
Piliin magtyaga kahit pa madapa
Wag ka lang tumigil tyak may mapapala

Magsikap hanggang tagumpay ay makamtan
Dami mong pagsubok, Ginhawa ay mahahagkan
Dami nang hadlang, hindi mapipigilan
Mabagal man ang usad, mararating ang pupuntahan

Halos masira ang ulo saking pinapasan
Nilamon ng bawat bulong sa tenga, nawalan
Ng gana harapin ang aking kinabukasan
Buhay nais tapusin nang sakit di na maramdaman
Ganito pala ang buhay kapag napariwara
Lahat mawawala sayo, parang isinumpa
Dumaing ng himala, lumuhod at tumingala
Napagtanto sa isip sya parin ang kasangga
Ang buhay natin ay walang kasiguraduhan
Iba't ibang daanan isa lang pupuntahan
Hindi alam ang oras di mo mababantayan
Pagdating ng kamatayan, Diyos ang tanging may alam.
Duda ay tinapon, takot ay hinamon
Sinikap umahon, hinarap ang mga alon
Pagsulong ang layon, kumayod maghapon
Panahon ay umayon sa aking pagbangon

Piliin magtyaga kahit pa madapa
Wag ka lang tumigil tyak may mapapala
Piliin magtyaga kahit pa madapa
Wag ka lang tumigil tyak may mapapala

Magsikap hanggang tagumpay ay makamtan
Dami mong pagsubok, Ginhawa ay mahahagkan
Dami mang hadlang, hindi mapipigilan
Mabagal man pagusad, mararating ang pupuntahan
Magsikap hanggang tagumpay ay makamtan
Dami mong pagsubok, Ginhawa ay mahahagkan
Dami mang hadlang, hindi mapipigilan
Mabagal man pagusad, mararating ang pupuntahan

Wissenswertes über das Lied Magsikap von Wan

Wer hat das Lied “Magsikap” von Wan komponiert?
Das Lied “Magsikap” von Wan wurde von Jhomar Lim komponiert.

Beliebteste Lieder von Wan

Andere Künstler von Pop rock