Di Na Mababalik (feat. barbs)

Josh Bueneventura, Kim Rivera

Maginaw na gabi yakap mo lang tangi kong hanap
Nakakapaso ang kape pag ikaw ang aking kausap
Hinahagilap, di ko mahanap (ang aking sarili)
Bakit kapag umabot sa dulo tila pahirapan pumili
Yun na pala ang pagtatapos, dapat sinulit ang mga yapos
Dami nang bote na napataob, nagkalat na rin sa lapag ang upos
Ngunit ganun pa rin, sa litrato mo pa rin nakaatingin
Napadalas pagka praning, umaasa pa rin sa yong pagdating
Nakakatitig lamang sa iyong mga mata (Mga mata)
Di na 'lam kung san pa ako ngayon ay pupunta (Wala kana)
Di na mababalik (Ang mga ngiti)
Di narin marinig (Ang mga hiling)
Di na mababalik (Ang mga ngiti)
Sulitin natin ang gabi kahit di na tayo sa huli
Kala mo ba di ko namimiss
Mga araw magkahawak ang kamay sa jeep
Mga panahong palaging tiis inip
Makasama sa lang sa aking pag-uwi
Tanda ko pa non marami sa ating tumutol
Pangako mo sakin lalaban kahit ang pisi maputol
Ngunit bakit tila na bura, sumpaan natin sa punong mangga
Gusto na pala na kumawala, bakit kailangan mo pa magpanggap na masaya
Basang mga unan, limot na kung paano matulog
Ikaw bumuo pero ikaw din pala ang dudurog
Nakakatitig lamang sa iyong mga mata (Mga mata)
Di na 'lam kung san pa ako ngayon ay pupunta (Wala kana)
Di na mababalik (Ang mga ngiti)
Di narin marinig (Ang mga hiling)
Di na mababalik (Ang mga ngiti)
Sulitin natin ang gabi kahit di na tayo sa huli

Wissenswertes über das Lied Di Na Mababalik (feat. barbs) von XION

Wer hat das Lied “Di Na Mababalik (feat. barbs)” von XION komponiert?
Das Lied “Di Na Mababalik (feat. barbs)” von XION wurde von Josh Bueneventura, Kim Rivera komponiert.

Beliebteste Lieder von XION

Andere Künstler von K-pop