Sana Hindi Pa Rin Huli Ang Lahat
Nasabi ko na ba ang lahat sa yo
Bakit parang may kulang
Pwede bang makita kang muli
Kung maaaring ulitin pa
Ang ating nakaraan
Pangako ko hindi na masasaktan
Pasensya na kung gasgas ang mga linya
Ito na lang nakita kong paraan
Mamahalin kita kahit na magmukhang tanga
Iisipin ko lang na babalik ka sa 'kin agad
Akala ko noon hindi ka mawawala
Sana hindi pa rin huli ang lahat
Hoo...hoh
Ilang gabi na ring di makatulog
Sa kaiisip sa 'yo
Sana panaginip na lang ito
Kung bibigyan ng pagkakataon
Gagawin ko ang lahat para ako ay muling tanggapin
Pasensya na kung gasgas ang mga linya
Ito na lang nakita kong paraan
Mamahalin kita kahit na magmukhang tanga
Iisipin ko lang na babalik ka sa 'kin agad
Akala ko noon hindi ka mawawala
Sana hindi pa rin huli ang lahat woh
Umaasa ako
Maghihintay pa rin sa 'yo
Dahil mahal kita
Dahil kailangan pa kita
Mamahalin kita kahit na magmukhang tanga
Iisipin ko lang na babalik ka sa kin agad
Akala ko noon hindi ka mawawala
Pero mukhang huli na rin ang lahat
Para sa atin, woh hoh