Magpakita Ka Na

Miguel Mendoza III

Saan ba nagtago
Pag-ibig na di ko mahanap
Di dapat mahulog ang puso kong muntikan nang masaktan
Ang hirap pigilan kung tibok ng puso ang susundan
Bakit ba naguguluhan
Pag-ibig ba'y sadyang ganyan

Handa na'kong masaktan kung kinakailangan
Ang pag-ibig daw hindi laging tag-araw
Nakakainip mag-abang sa tadhana
San ba matatagpuan
Ayoko ng taguan
Baka sakali lang
Magpakita ka na

Kelan ba tatama
Ang pana ng pagibig na nakalaan
Sabihin sa akin
Kung ga'no katagal mag aantay sa iyo
Bakit nga ba nangangamba
Pag-ibig ba'y sadyang ganyan

Handa na'kong masaktan kung kinakailangan
Ang pag-ibig daw hindi laging tag-araw
Nakakainip mag-abang sa tadhana
San ba matatagpuan
Ayoko ng taguan
Baka sakali lang
Magpakita ka na

Magpakita ka na
Sige na
Wag ka nang maglaro
Sang ayon na ang panahon
Wag mong palipasin
Wag itapon
Wag mong pigilan
Wag mong sayangin
Wag mong pakawalan
Magpakita ka na

Ang pag-ibig daw hindi laging tag-araw
Nakakainip mag-abang sa tadhana
San ba matatagpuan
Ayoko ng taguan
Baka sakali lang
Baka sakali lang
Magpakita ka na (magpakita kana magpakita magpakita kana magpakita)
Magpakita ka na

Beliebteste Lieder von Zephanie

Andere Künstler von