Apat

Zild

Tanggap ko na tayong lahat ay magwawatak
May oras ang tampo luha at pagkagalak
Nagsimulang nangangapa nang nakayapak
Magkakasamang hinarap ang mga lubak

Huwag matakot magkamali
Lahat ay nagsisisi
Damdamin ang sandali
Namnamin mga saglit

Lilipad sa hangin
'Di na iisipin
Kakalimutan natin
Ang mga hinanakit

Parang kahapon lang no'ng tayo'y magkasama
'Di namalayan tayong apat ay tumatanda
Ngunit ngayon tatanggapin na tayo ay magkakaiba
Alaala nga na lang kung sino ang mabaho ang paa

Katotohanan na mapait
Lilingon nang may hapdi

Lilipad sa hangin
'Di na iisipin
Kakalimutan natin
Ang mga hinanakit

Walang mga pangalan
Ngayong kasalukuyan
Ito ang kapalaran
Nating magkakapatid

Nakakapagtaka nakakapagtaka nakakapagtaka nakakapagtaka (nakakapagtaka)
Nakakasawa (nakakapagtaka)
Nakakasawa na (nakakapagtaka)
Nakakasawa (nakakapagtaka)
Nakakasawa na (nakakapagtaka)

Pigang-piga na (nakakapagtaka)
Pigang-piga na ako (nakakapagtaka)
Dere-deretso
Deretso

Lilipad sa hangin (nakakapagtaka)
'Di na papawiin (nakakapagtaka)
Lahat ay iipunin (nakakapagtaka)
Hanggang sa mailibing (nakakapagtaka)

Lahat ay may hangganan (nakakapagtaka)
Sa pagkakaibigan (nakakapagtaka)
Dapat matutunan (nakakapagtaka)
May wakas ang sandali (nakakapagtaka)
Nakaraang ikukubli (nakakapagtaka)

Beliebteste Lieder von Zild

Andere Künstler von Pop rock