Bungantulog
May sarili na namang mundo
Nabubuo sa isip ko
Walang nakakaalam nito
Mga pangarap gustong mabuo
'Di man maintindihan ang takbo
At ang pusong 'di kumikibo
Siguradong 'di mapapahinto
Ang isipan
Sa 'king paglingon may bumabaon
Alaalang 'di na makalimutan
'Di mawawala bigla kang tulala
Sarili lang nakakaalam nito
Bungantulog
Mag-ingat baka ika'y mahulog
Hayaan lang ang bungantulog
Mag-ingat baka ika'y mahulog
Sa kabila ng mga naganap
Mawawala nang isang iglap
Hindi makita ang reyalidad
At ang pangarap ko ay matupad
Sino ba'ng makakapagpaalam
Sa lahat ng mga nanonood
Na ang buhay 'di lang nandirito
Pag-isipan
At sa panahong may bumubulong
Alaalang 'di mo maiiwasan
'Di mawawala bigla kang tulala
Sarili lang nakakaalam nito
Bungantulog
Naghihintay ng bagong turo
Yakapin mo ang bungantulog
Nagbibigay ng bagong turo
Laging naiiwang tulala
Dugo ang tumutulo sa mata
Bungantulog
Sumusulyap sa ating ulo
Kumapit ka sa bungantulog
Sinusundan ang ating ulo
Bungantulog
Kumakatok sa ating ulo
Hanapin mo ang bungantulog
Ikaw lang ang makakatulong