Ganyan Kita Kamahal

Noong ibigin kita
Diwa't buhay sadyang inihanda
Na kung sakali't sang araw
Ang palad ko ay pumanaw
At ang mawala saki'y ikaw

Nang tumibok ang puso ko
Mundong ito'y umikot na sayo
At kung ikaw ay magbago
At iba na ang mahal mo
Luhaan ma'y ngingiti ako

Ganyan kita kamahal
Tanging mahalaga sa akin
Ikaw ay paligayahin
Ganyan kita kamahal
Kailan ma'y di ka pipigilin
Laya mo'y sundin
Ganyan kita kamahal

Ang bukas ko hawak mo
Kahapon at ngayon alay sa iyo
At kung sakaling agawin
Ang pagtingin mo sa akin
Kayo ay ipagdarasal pa rin

Ganyan kita kamahal
Tanging mahalaga sa akin
Ikaw ay paligayahin
Ganyan kita kamahal
Kailan ma'y di ka pipigilin
Na ang laya mo'y sundin
Ganyan kita kamahal

Ganyan kita kamahal
Kailan ma'y di ka pipigilin
Kung lumalayo sa akin
Ganyan kita kamahal
Tanging mahalaga sa akin
Ikaw ay paligayahin
Ganyan kita kamahal
Ganyan kita kamahal
Ganyan kita kamahal

Beliebteste Lieder von Zsa Zsa Padilla

Andere Künstler von Middle of the Road (MOR)