Hiram [Karaoke]

May isang umagang 'di mo hahagkan
Ang mata kong 'di ka magigisnan
Turuan mong ako'y h'wag masaktan
Kahit ako para sa 'yo
Ay 'sang hiram at hindi dapat magdamdam

Di mo lang alam na kahit pa mali
Naging langit ang bawa't sandali
Magmula nang halik mo'y dumampi
Pag-ibig mo pag-ibig ko kapwa hiram
Wala ka bang pakiramdam

Di ba ako'y tao lang
Na nadadarang at natutukso rin
Maiaalis mo ba sa 'kin na matutuhan kang mahalin
Sa bawa't sandaling hiram natin

Di ba ako'y tao lang
Na nadadarang at natutukso rin
Maiaalis mo ba sa 'kin na matutuhan kang mahalin
Sa bawa't sandaling hiram natin oh ho

May isang umagang 'di mo hahagkan
Ang mata kong 'di ka magigisnan
Turuan mong ako'y h'wag masaktan
Kahit ako para sa 'yo
Ay 'sang hiram at hindi dapat magdamdam

O hiram na kung hiram bawa't saglit
Wala ako isa mang hinanakit
Basta't kapiling ka'y langit
Walang sa 'yo ay papalit
Hinding-hindi ako sa 'yo magdaramdam
Kahit hiram
Hiram

Beliebteste Lieder von Zsa Zsa Padilla

Andere Künstler von Middle of the Road (MOR)