Dambana
Di mo ba alam na ikaw lang ang hinihintay na igalaw ang baso
para mabasag ang katahimikan
ang kalabog ng puso ko'y rinig hanggang sa kabilang kanto
at isang tanong mo lang walang ibang sagot kundi oo
alam kong tayo'y patungo rin naman dito
ikaw lang naman ang
inaabangang lumuhod sa harapan
at ako'y tanungin ng, pwede bang akin ka lang
oo, sayo lang
sayo lang, sayo't sayo lang..
sayo lang naramdaman..
ang ganitong kilig lungkot kaba nginig saya lahat lahat sayo lang..
ako hanggang sa walang hanggan
Di mo ba alam na ikaw lang ang nakita kong sa akin ay seryoso
sino ba naman ang di mahuhulog
ang ngiti pag nakita ka'y abot hanggang sa kabilang kanto
pati sa aking pamilya, sayo lang sila naging kalmado
alam kong tayo'y patungo rin naman dito
ikaw lang naman ang
inaabangang lumuhod sa harapan
at ako'y tanungin ng, pwede bang akin ka lang
oo, sayo lang
sayo lang, sayo't sayo lang..
sayo lang naramdaman..
ang ganitong kilig lungkot kaba nginig saya lahat lahat sayo lang..
ako hanggang sa walang hanggan
Sayo lang.. ako'y sayo lang ohhhh
ikaw lang naman ang inaabangang lumuhod sa harapan
kilig lungkot kaba nginig saya lahat lahat
sayo lang
alam kong tayo'y patungo rin naman dito
ikaw lang naman ang
hanggang sa dambana
gusto kong makasama
at pangangakuan ng oo, ako'y sa'yo lamang