Payapa Lang
Akala mo ay tunay, ‘yun pala’y may pakay lang sa’yo..
Lalapit ‘pag mayrong kailangan, ‘pag wala’y dadaanan ka lang.
Ano kaya ‘yon?
Malalaman mo kung
sino ang totoo kung
ika’y aalalayan ‘pag ikaw ay sugatan.
Kahit walang-wala ka,
sila’y nakasuporta.
Nagdadalahan paangat,
Di naghihilahan ng pabagsak.
[CHORUS]
‘Sadyang kay hirap amuhin ang lahat
Kaya ingatan ang sa’yoy tapat.
Kung sila’y lilisan, hayaan mo na Lamang
Mahalin silang sa ‘yo’y di nang-iiwan
Silang hindi nang-iwan, wag mong pabayaan,
Konti lang yan
Hmmm....
II
Akala mo’y seryoso, ‘yun pala’y meron lang motibo.
Pinapaikot lang ang ulo mo..
‘Di bale nang ikaw ang masaktan,
wag na wag na lang papatulan..
‘Di ka nag-iisa, siguradong meron sa’yong sasalba.
[CHORUS]
Sadyang kay hirap amuhin ang lahat
Kaya ingatan ang sa’yoy tapat.
Kung sila’y lilisan, hayaan mo na Lamang
Mahalin silang sa ‘yo’y di nang-iwan
Silang hindi nang-iwan, wag mong pabayaan,
Konti lang yan
Hmmm....
[Outro]
‘Di mo kailangang magpaka-tama sa lahat,
‘di man perpekto ngunit biyaya Niya’y sapat.
Kung sila’y lilisan, hayaan mo na lang
Basta’t ang puso mo’y payapa lang.
Hayaan mo na lang,
Basta’t ang puso mo’y payapa lang.