Ayoko Sana
Paggising ko kanina wala ka na sa tabi ko
Ni liham man lang ika'y hindi nag-iwan
Nasaan ka man oh giliw ay sana makarating sa 'yo
Ang nilalaman ng aking puso't damdamin
Ayoko sanang ako'y iyong makita
Umiiyak at nagmamakaawa
Hindi ko kayang sumigla at mabuhay pa
Kung hindi na tayo magkasama
Tuloy-tuloy ang oras kay haba ng paghihintay
Hanggang bumalik ka sa aking piling
Ang pagkakamali ko binaliwala mo lamang
Ang mga tampo at galit mo sa akin
Ayoko sanang ako'y iyong makita
Umiiyak at nagmamakaawa
Hindi ko kayang sumigla at mabuhay pa
Kung hindi na tayo magkasama
Ayoko sanang ako'y iyong makita
Umiiyak at nagmamakaawa
Hindi ko kayang sumigla at mabuhay pa
Kung hindi na tayo magkasama
Ginagabi ang oras ako'y nag-aalala
Pagkat hindi ka pa bumabalik sa akin
Nasaan ka man oh giliw ay sana maunawaan mo
Na ikaw ay mahalaga sa akin