Kailangang Malaman Mo

Danny Javier

Mahal na mahal ko siya ngunit 'di niya ito alam
Sa kilos ko at galaw ay hindi niya mararamdaman
Mahal na mahal ko siya 'di malaman ang gagawin
Kailangang malaman niya upang ako'y mahalin niya rin

Mahal niya kaya ako bakit 'di siya nagsasalita
Sa tuwing kausapin ko ay palaging mukhang tulala
Mahal na mahal ko siya 'di malaman ang gagawin
Kailangang malaman niya upang ako'y mahalin niya rin

Ilang araw pa ba mahal ang sasayangin mo
Ilang gabing ikaw lang ang nasasaisip ko
Kailan kaya magtatagpo ang isip at puso
Kailangan bang bigla

O dahan-dahan ang paghawak ng kamay
Ang pagdapo ng halik
Ang pagtitig na nagsasabing

Mahal na mahal kita kahit 'di mo ito alam
Sa kilos ko at galaw ay hindi mo mararamdaman
Mahal na mahal kita 'di malaman ang gagawin
Kailangang malaman mo upang ako'y mahalin mo rin

Mahal na mahal kita 'di malaman ang gagawin
Kailangang malaman mo kailangang malaman mo
Kailangang malaman mo upang ako'y mahalin mo rin
Kailangang malaman mo upang ako'y mahalin mo rin

Wissenswertes über das Lied Kailangang Malaman Mo von APO Hiking Society

Wann wurde das Lied “Kailangang Malaman Mo” von APO Hiking Society veröffentlicht?
Das Lied Kailangang Malaman Mo wurde im Jahr 1991, auf dem Album “Songbuk ng APO” veröffentlicht.
Wer hat das Lied “Kailangang Malaman Mo” von APO Hiking Society komponiert?
Das Lied “Kailangang Malaman Mo” von APO Hiking Society wurde von Danny Javier komponiert.

Beliebteste Lieder von APO Hiking Society

Andere Künstler von Asian pop