Sa Liham Na Lang
Kung naghahanap ka ng lambing
Hintayin mong ako'y darating
Kahit anong lungkot ang iyong nadarama
Papawiin ko 'yan kung maghihintay ka
Kung humihiling ka ng haplos
Yakapin mo 'yang batang musmos
At sa 'king pag-uwi makikita muli
Ang pagmamahalang hindi nabubuhos
Kay hirap nga ng napapalayo
Lalo na't buhay ay 'di sadyang ganito
Sa liham na lang sinusulat ang ninanais gawin (nais gawin)
Ngunit kung kaya mo ay kaya ko ring tiisin
Kay hirap nga talaga ng napapalayo
Lalo na't buhay ay 'di sadyang ganito
Sa liham na lang sinusulat ang ninanais gawin (nais gawin)
Ngunit kung kaya mo ay kaya ko ring tiisin
Kung karinyong ninanais mo
Iniipon ko para sa 'yo
Kahit anong lungkot ang 'yong nadarama
Papawiin ko 'yan kung maghihintay ka
Papawiin ko 'yan kung maghihintay ka