Tagalog Medley

Kahit saan ka man ang awit ay naririnig
Sari-saring magugustuhan mga luma at bagong himig
Ngunit isa lang ang aking gusto isa lamang ang napapansin
Masarap madaling kantahin ang lumang tugtugin

Nung tangan ng nanay ang munti mong mga kamay
Ika'y tuwang-tuwa panatag ang loob sa damdaming ika'y mahal
Nung nakilala mo ang una mong sinta
Umapaw ang saya at siya'y ibang-iba sinamsam ang bawat gunita

Hindi mo malimutan kung kailan nagsimula
Matuto kung pa-paano magmahal
At 'di mo malimutan kung kailan mo natikman
Ang una mong halik yakap na napakahigpit
Pag-ibig na tunay hanggang langit

Araw ikaw ang may dala ng liwanag
Sa sikat mong taglay nabubuhay
Whoa oh whoa whoa whoa oh
Tulad ka ng tangi kong mahal

Hangin ang dulot mo'y hinga na malalim
Ang awit mo'y walang nililihim
Whoa oh whoa whoa whoa oh
Tulad ka ng tangi kong mahal

Sana nga'y ganyan ganyan ang katotohanan
Hindi maglalaho ang pagmamahalan
Kapag nagkaganito taga mo sa bato
Hindi mo na kailangan pang mangako

Walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip
Mula nang tayo'y nagpasiyang maghiwalay
Nagpaalam pagkat hindi tayo bagay
Nakapagtataka oh

Hindi ka ba napapagod o 'di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang walang hanggang katapusan
Napahid na'ng mga luha damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga wala na akong maramdaman

Hindi ka ba napapagod o 'di kaya'y nagsasawa (hindi mo malimutan kung kailan nagsimula)
Sa ating mga tampuhang walang hanggang katapusan (matuto ikaw lang ang mahalin oh)
Napahid na'ng mga luha damdamin at puso'y tigang (at 'di mo malimutan kung kailan mo natikman ang una mong halik yakap na napakahigpit)
Wala nang maibubuga wala na akong maramdaman (pag-ibig na tunay hanggang langit)

Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't 'di tayo magkasunduan whoa
Ang tamis ng iyong halik yakap na napakahigpit (oh)
Ang tamis ng iyong halik yakap na napakahigpit (ikaw ang may dala ng liwanag oh)

Beliebteste Lieder von APO Hiking Society

Andere Künstler von Asian pop